Saturday, November 24, 2012

Kamatayan sa Gitna ng Hanapbuhay

"Paalam",isang malungkot na katagang isinambit ng mga pamilyang na walan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa kanilang hanapbuhay.

Isang insidente ang gumimbal sa ating mga Pilipino.Ang pagguho ng Manila Film Center habang ito ay nasa konstraksyon. Ito ay ang gusali na ipinag-utos na ipatayo ng dating Unang Ginang ng Pilipinas Imela Marcos.Ito ay nangyari noong ika-17 ng Nobyembre 1981 sa oras na 3:00 ng umaga.Hindi bababa sa 169 na manggagawa ng nasabing gusali ang natabunan ng semento at tila nailibing sila nang buhay.  

Dahil sa kapritsuhan ng isang tao at paghahangad ng papuri. Binaliwala ang ttrahedya sa halip,ipinagpatuloy ang konstraksyon ng Manila Film Center. Hindi alintana ang mga pamilyang nagluluksa at naghahanap ng katarungan para sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Ang kahindik-hindik na pangyayari sa Manila Film Center  ay nagpahina ng loob ng mga naiwang pamilya,sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay;mga mahal sa buhay na nagtrabaho araw at gabi para lang maibigay ang pangangailangan ng kanilang kaanak.

Sa mga pamilyang nawalan ng kanilang mga kaanak dahil sa kanilang trabaho,sana ay maghilom na ang sugat sa puso na kanilang kinikimkim. Sana ipagdasal na lang ang kanilang mga kaanak na namatay dahil sa trahedya,para manahimik na ang mga kaluluwa na sinasabing nagpaparamdam at humihingi ng hustisya dahil sa kanilang pagkamatay.

source
pictures:

Monday, November 19, 2012

Napasaya si Lola

Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas.

Parating na ang pista ng Gubat,Sorsogon sa Bicol. Kaya naman ang angkan ng Ernacio ay nagkayayaang pumunta ng Bicol. Nakasanayan na kasi ng aking ama pati ang kanyang mga kapatid na pumunta sa Sorsogon  kasama ang kanya-kanyang pamilya. Sa dami namin,kumasya pa rin kami sa sasakyan ng aking tito. Buti na lang,mahabang dyip ang pinagawa ng aming tiyuhin kaya nagkasya kami pati ang mga gamit namin.

Sa haba ng aming biniyahe na umabot sa 24oras o sa madaling salita ay isang araw ay hindi pa rin kami napagod. Ito ay dahil sa masasayang kwentuhan na umabot sa tawanan at sa mga magagandang tanawin na aming nasilayan.Ang mga malalaking puno,mga kabundukan,mga kaakit-akit na karagatan,at higit sa lahat ay ang kahanga-hangang Bulkang Mayon na makikita sa Albay,Bicol. Hindi lang yon,nagkahilo-hilo rin kami sa paliko-likong daan na nadaanan namin na sikat sa tawag na bitukang manok.

Sa sobrang haba man ng biyahe,sa wakas nakarating din kami sa aming patutunguhan,sa mga lolo't lola ko. Abot langit ang tuwa ng mga taong binisita namin sa Bicol dahil nagsama-sama ulit ang buong mag-anak namin. Wala nang pwedeng makatalo pa sa amig kasiyahang natanggap dahil sa pagsasama-sama namin.


Tuwang-tuwa ang dalawang matanda lalo na si lola. Siguro dahil sa kumpletong umuwi ang anim niyang anak kasama ang kanya-kanyang pamilya. Tuwing madaling araw,ginigising kami ni lola para mamulot ng itlog ng itik,padamihan kaming makakuha ng mga pinsan ko. Kung minsan,isinasama kami ni lola sa dagat para maligo.Kapag naglalaro kaming magpi-pinsan,tuwang-tuwa si lola habang nanonood.

Pero ang kasiyahan pala namin kasama si lola ay iyon na ang huli. Ito ay dahil makalipas ang
isang buwan noong dinalaw siya,tumawag ang  kapatid ni papa na isinugod sa ospital si lola at natuklasan ng mga doktor na may kanser sa colon si lola. Makalipas lang ang ilang araw ay sumakabilang buhay na si lola at nagpaalam. Pero buti na lang at kahit papaano ay napasaya namin siya kahit sa huling sandali na lamang.

Kaya habang magka-kasama pa ang buong pamilya,huwag na tayong mag-atubiling ipakita sa kanila ang ating pagmamahal sa bawat isa.Araw-araw ay huwag nating kalimutang magsabi ng "I Love You'habang hindi pa huli ang lahat.


sources
images:
www.google.com

Sunday, November 18, 2012

Tayo na sa Sagada


            Madaming mga magagandang  lugar o tanawin na makikita natin sa ating bansa. Ito ang mga lugar na madalas puntahan ng mga Pilipino maging ang mga dayuhan.

Isa sa mga lugar na ito ay ang Sagada. Ang Sagada ay isang 5th class na munisipalidad a lalawigan ng Mt.Province. Matatagpuan ito sa 140 km. mula sa Baguio,sa hilaga ng Maynila ay may 245 km. ang  pagitan at katabi ng panlalawigang kabisera,ang Bontoc.Ang Sagada ay ating makikita sa isang lambak sa itaas na dulo ng Malitep. Ang lugar na ito ay may tropikong klima.

Isang tradisyunal na paraan ng paglilibing ng mga tao na ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.Hindi lahat ng tao ay kwalipikadong ilibing sa paraang ito;ang  isa sa mga kwalipikado ay may asawa at mayroon ang mga inapo.Ang pagiging tropiko nito ay nakatutulong para sa mga paanim nila.Ang mga pananim dito ay katulad ng sa Baguio at Benguet.



Dahil sa klima sa Sagada, maraming mga dayuhan ang pumunta.Hindi lang klima ang dinadayo dito kundi pati na rin ang magagandang tanawin.Maraming mga gulay ang itinanim dito. Hindi lang mga gulay ang pangunahing produkto dito, andyan din ang lemon, strawberry, mansanas at iba pa. ng

Maraming patok na aktibidad ang binabalik-balikan ng mga turista.Kgaya ng trekking,mayroon ding mga kweba at talon.Kapag ang mga dayuhan namanay mahilig sa History, maari silang mag-hiking para mabisita ang mga makasaysayang lugar. Kapag adventure naman ang hanap,andyan ang rapelling.

Sa dami ng mga kamangha-manghang tanawin at mga aktibidad na pwedena gawin sa Sagada.Talaga namang masusulit ang lahat.Hindi lang saSagada ka makakakita ng magagandang tanawin. Marami ang lugar ditto sa bansa natin.

 Ang mga magagandang lugar o tanawin sa ating bansa ay nararapat nating bigyang pansin at ipagmalaki. Kailangan din natin itong pangalagaan para makita pa ito ng mga susunod na henerasyon.


sources:
http://en.wikipedia.org/wiki/Sagada,_Mountain_Province

images:
https://www.google.com.ph

http://sagada.org/