"Paalam",isang malungkot na katagang isinambit ng mga pamilyang na walan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa kanilang hanapbuhay.
Isang insidente ang gumimbal sa ating mga Pilipino.Ang pagguho ng Manila Film Center habang ito ay nasa konstraksyon. Ito ay ang gusali na ipinag-utos na ipatayo ng dating Unang Ginang ng Pilipinas Imela Marcos.Ito ay nangyari noong ika-17 ng Nobyembre 1981 sa oras na 3:00 ng umaga.Hindi bababa sa 169 na manggagawa ng nasabing gusali ang natabunan ng semento at tila nailibing sila nang buhay.

Dahil sa kapritsuhan ng isang tao at paghahangad ng papuri. Binaliwala ang ttrahedya sa halip,ipinagpatuloy ang konstraksyon ng Manila Film Center. Hindi alintana ang mga pamilyang nagluluksa at naghahanap ng katarungan para sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Ang kahindik-hindik na pangyayari sa Manila Film Center ay nagpahina ng loob ng mga naiwang pamilya,sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay;mga mahal sa buhay na nagtrabaho araw at gabi para lang maibigay ang pangangailangan ng kanilang kaanak.
Sa mga pamilyang nawalan ng kanilang mga kaanak dahil sa kanilang trabaho,sana ay maghilom na ang sugat sa puso na kanilang kinikimkim. Sana ipagdasal na lang ang kanilang mga kaanak na namatay dahil sa trahedya,para manahimik na ang mga kaluluwa na sinasabing nagpaparamdam at humihingi ng hustisya dahil sa kanilang pagkamatay.
source
pictures: